SURIGAO NIYANIG NG MAGNITUDE 6.1 LINDOL

NIYANIG ng magnitude 6.1 na lindol ang katubigan ng southern province ng Surigao Del Sur, ayon sa state seismologists.

Ang nasabing tectonic tremor ay naitala 66 kilometers northeast ng Bayabas town.

May lalim itong 77 kilometers.

Bahagya lang naramdaman ito sa Surigao at Gingoog, ayon kay Phivolcs seismology head Ishmael Narag.

Hindi rin ito gaanong naramdaman umano ng ibang tao.

Bagaman may aasahang aftershocks, hindi naman ito makakagawa ng mga tsunami.

Nitong nagdaang Agosto, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang central Philippines, kung saan nadamage ang mga gusali at mga kalsada. (CATHERINE CUETO)

145

Related posts

Leave a Comment