BUNSOD ng cellphone charger na naiwang nakasaksak sa electrical outlet, isa angsugatan habang 15 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan ang sunog sa Tondo, Manila noong Martes ng gabi.
Nasugatan sa nasabing insidente ang biktimang si Catalino Masangkay, 30, residente ng naturang lugar, habang anim na kabahayan ang tinupok ng apoy.
Base ulat ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-10:13 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa tatlong palapag na bahay sa #1605 O-este Alvarez St., Brgy. 267, Zone 24, sa Tondo, na pagmamay-ari ng pamilya ng isang Silahis Pichay.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula at idineklarang fire-out dakong madaling araw
Wala namang iniulat na namatay sa sunog habang tinatayang P300,000 ang halaga ng mga ari-arian na natupok sa insidente.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy bagama’t may posibilidad na dahil sa faulty electrical wiring. (RENE CRISOSTOMO)
397 