MALAPIT na ang pagpapalit ng liderato sa kongreso, yan ay kung tutuparin ni Speaker Allan Peter Cayetano ang kanilang napagkasunduan ni Marinduque lone district Congressman Lord Allan Velasco na term sharing.
Ang problema mukhang nasarapan na sa titulong speaker si Congressman Cayetano at mistulang wala na itong balak na i-turn over ang speakership kay Congressman Velasco.
Kung susundan po ang kasunduan nina Congressman Cayetano at Velasco sa harap pa ni Pangulong Duterte ika nga eh ”GENTLEMENS AGREEMENT o KASUDUANG MAGINOO” ay sa susunod na buwan na mangyayari ang turn over ng liderato sa kamara.
Yun ay kung mayroong tinatawag na “Palabra De Honor” si Cayetano subalit kapag hindi nangyari ang palitan ng liderato sa kamara ibig lang sabihin nyan na pasok sa bitag ni Cayetano si
Pangulong Duterte at lalong lalo na si Cong. Velasco.
Kasi po batay na rin sa usap-usapan sa kongreso ay mukhang magtatalo-sira sa usapang lalaki si Cayetano dahil sa pinanghahawakan ni Cayetano ang umanoy majority sa mga mambabatas ay suportado ang kanyang liderato sa Kamara, ANO???
Aba’y kung tunay kang lalaki ginoong Speaker Cayetano kahit pa sumama ang senado sa pagpirma ng manifesto ng pagsuporta para sa speakership mo dapat ay hindi mo yan bibigyan ng bigat!
Dapat mas bibigyan mo ng bigat ay ang napagkasunduan ninyo ni Cong. Velasco at sangkot pa nga diyan ang Malakanyang at bukod doon ay pumirma ka pa sa libro ng inyong agreement ni Cong.
Velasco pagkatapos palulutangin mo na mas gusto ka ng nakakaraming kongresista bilang speaker?!
Paalaala ko lang Mr. Speaker kahit sino pong umupo bilang speaker of the house talagang majority ng mga kongresista sinusuportahan nila iyon.
Kasi likas na sa ating mga tao kung sino ang lider na itinalaga ay sumusuporta na tayo sa kanyang liderato, kasi mayroon po tayong kasabihan na “A GOOD LEADER IS A GOOD FOLLOWER”.
Subalit kung di mo pahahalagahan ang inyong nilagdaang kasunduan Mr. Speaker Cayetano, ano po kaya ang itatawag sa inyo ng inyong mga kakilala o karamihan ng mga Pilipino? “DOROBO, GAHAMAN SA KAPANGYARIHAN, ETC. ETC. ETC..
Kaya dapat tumupad kayo sa napagkasunduan na at wala ng iba pang alibi.
Apila ko na rin sa anak ni Pangulong Mayor Digong, na si Cong. Pulong Duterte na panindigan niya yung kanyang nauna ng pahayag na pagdating sa change of leadership ay ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa KAMARA at ipakita rin nito ang tunay na kahalagahan ng isang kasunduan bilang isang anak ng pangulo ng bansa.
Nauna ditoy inihayag ni Pulong na dapat daw ideklarang bakante ang lahat ng top position sa kongreso kapag nabalewala na ang kasunduan nina Speaker Cayetano at Cong. Velasco.
Kaya paalaala lang kay Speaker Cayetano na mabuti pa ngang magdildil ng asin sa pagkain basta’t wala ka lamang pinepurwisyong kapwa diba? Dahil mas mahirap na kalaban ang konsensya kung mayroon ka niyan Mr. Speaker.
122
