MALABONG bisitahin sa ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Boracay.
Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque ay masyadong abala ang Pangulo para mapagtuunan ng pansin ang pagbisita sa resort island matapos ang may 6 na buwan na pagsasara nito dahil sa coronavirus pandemic.
Nitong Huwebes, Oktubre 1 ay binuksang muli ang Boracay sa mga turista mula sa iba pang bahagi ng bansa.
“It’s abnormal times, but I’m sure he would love to visit Boracay as well. But right now, he’s actually very busy in Malago [Clubhouse in Malacañang] nowadays, so I don’t think a visit to Boracay in the near future could happen,” ayon kay Sec. Roque.
“But let’s not discount it because it’s important to encourage people to assist our tourism industry,” dagdag na pahayag nito.
Noong Hunyo binuksan ang Boracay para lamang sa mga taga-Western Visayas.
Nitong Huwebes, sinabi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, ang mga dumating na turista ay mula Aklan at Iloilo.
Mayroon ding mangilan-ngilan na galing ng Metro Manila.
Kailangang may maipakitang negatibong resulta ng RT-PCR test ang mga bibisita.
Exempted naman sa nasabing rules ang mga residente ng Aklan. (CHRISTIAN DALE)
135 