Malacañang: Droga ‘di magagamit sa kampanya NINJA COPS, NARCO POLITICIANS UUBUSAN NG SUPLAY

TINIYAK ng Malakanyang na wala nang kakalat na drug money sa 2022 elections dahil ipinasisira na niya para hindi na ma-recycle pa ng mga tinatawag na ninja cops ang mga nakumpiskang ilegal na droga.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na para maalis ang pagdududa ng ilan sa naging kautusan na ito ng Pangulo ay nais ng Chief Executive na pangunahan ang pagsira at pagwasak ng mga ilegal na droga lalo na ng shabu na ginagamit na ebidensiya laban sa drug personality.

Naniniwala si Sec. Roque na hindi pa nagbabalik ang buong tiwala ng mga Filipino sa mga drug enforcement agency o sa Philippine National Police (PNP) kaya’t pabor aniya siya na dapat ay mayroong mga tauhan mula sa korte at administrasyon ang mangasiwa sa pagsira ng mga nasabing drug evidence.

Sa pamamagitan aniya ng hakbang na ito ay wala nang iikot o magagamit na drug money sa panahon ng pangangampanyan para sa nalalapit na 2022 national at local elections. (CHRISTIAN DALE)

113

Related posts

Leave a Comment