Isasailalim sa granular lockdowns 11 LUGAR SUMIPA ANG COVID CASES

IPATUTUPAD ang “granular lockdowns” at hindi stricter quarantine sa mga high-risk areas.

Ito ang sinabi ni Secretary Carlito Galvez, chief implementer ng government’s response against COVID-19 kaugnay ng payo ng OCTA Research team na magpatupad ang pamahalaan ng stricter quarantine classification sa 11 lugar sa bansa na kabilang sa mga kinukonsiderang high-risk.

“Ang ginagawa po natin granular (lockdown),” ayon kay Galvez nang tanungin kung ang 11 recommended areas ay ilalagay sa ilalim ng stricter quarantine status gaya ng enhanced community quarantine (ECQ).”‘Yung malakihang ECQ is not sustainable. Nakita namin ‘yung presentation ng NEDA na napakalaki ng epekto kapag ginawa natin ‘yung draconic lockdown,” dagdag na pahayag nito.

Ani Galvez, ang granular lockdown ay “complemented with syndromic surveillance,” kabilang na ang paghahanap ng findings sa COVID-19 cases pati na ang mga close contact ng infected persons.

Sa October 6 report, pinayuhan ng OCTA Research team ang pamahalaan na magpatupad ng stricter quarantine classifications sa 11 areas, base sa data mula August 25 hanggang October 5.

Siyam na lugar ay kinukonsiderang high-risk dahil ang daily attack rate kada 1000 ay “greater than 1.0% and their attack rate for the current week is also higher compared to both of the two previous weeks.”

Ang mga ito ay kinabibilangan ng:

• Benguet (kasama ang Baguio City)

• Davao Del Sur (kasama ang Davao City),

• Iloilo (kabilang na ang Iloilo City)

• Misamis Oriental (kabilang na ang Cagayan de Oro)

• Nueva Ecija

• Quezon

• Pangasinan (kabilang na ang Dagupan)

• Western Samar

• Zamboanga Del Sur (kabilang na ang Zamboanga City)

Bagama’t kinukonsidera bilang low-risk for COVID-19, inirekomenda rin ng mga eksperto ang Cagayan at Isabela na isailalim sa stricter quarantine classifications dahil sa limitadong healthcare capacity. (CATHERINE CUETO)

94

Related posts

Leave a Comment