BYAHE NG OUTBOUND PASSENGERS MALABO PA

ITINANGGI ni Presidential spokesperson Harry Roque na may napagkakasunduan na “in principle” para mapahintulutang makabiyahe ang mga outbound passenger.

Ani Sec. Roque, hindi niya alam kung saan nagmula ang impormasyon na pati ang technical working group ay kanyang tinanong ukol dito na nagsabi namang wala pa ngang agreement in principle para payagang makalabas ng bansa ang ating mga kababayan.

Giit ni Sec. Roque, ang papayagan lang na makaalis ay ang essential travels.

Binigyang-diin nito na ang anomang impormasyon na inilalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay dapat na manggagaling sa kanyang tanggapan.

Sa kabilang dako, kung inbound passengers naman aniya ang pag-uusapan ay sarado pa rin sa mga mag-fiancee ang turismo at ang pagpapasok sa bansa ay pwede lamang sa mga mag-asawa. (CHRISTIAN DALE)

130

Related posts

Leave a Comment