PULONG DUTERTE NAG-RESIGN; SARA HUGAS-KAMAY

NAG-RESIGN bilang deputy speaker ng mababang kapulungan ng Kongreso ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte.

Kapwa pinadalhan ni Rep. Duterte ng kanyang resignation letter sina House Speaker Alan Peter Cayetano at ang bagong luklok na Speaker na si Marindque Rep. Lord Alan Velasco bilang kortesiya umano.

Ang pagre-resign ni Rep. Duterte ay inihain nito matapos ang sesyon ng grupo ni Velasco sa Celebrity Sports Plaza kung saan iniluklok ito ng 186 congressmen.

“This is to inform all of you that I will be submitting my resignation to both Speakers as deputy speaker for political affairs, this afternoon,” bahagi ng resignation letter ni Rep. Duterte kasabay ng pag-alis sa viber group ng mga mambabatas.

Kamakalawa ay naglabas ng statement si Rep. Duterte na wala siyang kinakampihan kaninoman kina Cayetano at Velasco na kapwa kaibigan umano niya.

Samantala, mistulang hugas-kamay naman ang kapatid ni Rep. Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa statement ng alkalde bago ang sesyon ng grupo ni Velasco, inamin nito na pinuntahan siya ng Marinduque solon sa Davao City at pinag-usapan umano nila ang kanyang partidong Hugpong ng Pagbabago.

“He intimated that there will be speakership vote and he sought for my help as the chairperson of HNP with regard to the votes of the three congressmen from Davao Region.

Sinabi umano ni Mayor Duterte kay Velasco na ang HNP ay binuo para sa pagkakaisa at kaunlaran ng Davao Region at tulungan ang administrasyon ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte. (BERNARD TAGUINOD)

200

Related posts

Leave a Comment