PERSONAL na tinanggap ni Sen. Cynthia A. Villar ang medical protective materials at mga gamot mula sa Philippine Fujian General Youth Association, Inc. sa pangunguna ng pangulo nitong si James Go, sa isang simpleng turn-over ceremony.
Kabilang sa mga donasyon ang face shields at face masks at gamot.
Ayon kay Villar, nakatakdang ipamahagi ang donasyon sa mga local government unit, frontliners at mamamayan sa komunidad bilang suporta sa paglaban ng pamahalaan sa COVID-19.
Pinasalamatan ng senador na nangunguna sa pagsisikap ng Villar SIPAG, ang mga kasama sa grupo, na mabawasan ang paghihirap ng mamamayan dulot ng pandemya. (ESTONG REYES)
166 