GUSTO munang makita at mapatunayan ni vaccinologist at UP PGH professor Emeritus Dra. Lulu Bravo na epektibo at ligtas ang natuklasang COVID-19 vaccine ng China bago ibigay sa mga Filipino.
Sa briefing sa Malakanyang ay sinabi ni Bravo na nais lamang niyang makasiguro na dumaan sa masusing pag-aaral ng mga health expert ng bansa at makapasa sa mga proseso ng Food and Drug
Administration o FDA ng Pilipinas ang nalikhang bakuna ng China bago iturok sa mga Filipino.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa siya sa mga unang magpapaturok ng madidiskubreng bakuna laban sa COVID-19 sakaling maging available na ito ‘for consumption’ at makapasa sa 3rd phase at Final clinical trials.
Aniya hindi pa gumamit ang Pilipinas ng anomang bakuna na mula sa China sa nakalipas na ilang taon.
Ang dahilan aniya ay karamihan ng mga bakuang ginagamit ng Pilipinas ay galing sa Amerika, Europa At maging sa bansang India. (CHRISTIAN DALE)
157 