TSERMAN PATAY SA CAVITE AMBUSH

CAVITE – Patay ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Dasmariñas City.

Idineklarang dead on arrival sa UMC Hospital si Dominador Narido, 56-anyos habang sugatan ang 6-anyos na si Maymay na nadamay sa insidente nang tamaan ng ligaw na bala sa hita.

Sa ulat ni P/MSgt. Elmo Cabooy, alas-10:30 ng umaga nang mangyari ang pananambang sa harapan ng palengke sa Brgy. San Dionisio.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pananambang. (SIGFRED ADSUARA)

 

296

Related posts

Leave a Comment