Posibleng sangkot sa kriminalidad – solon AWOL, SINIBAK NA PULIS ISAPUBLIKO

HINILING ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso sa bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Gen. Debold Sinas na isapubliko ang pangalan ng mga Absent Without Official Leave (AWOL) na pulis.

Bukod dito, nais ni Minority Congressman Alfredo Garbin na i-post ng PNP sa kanilang social media platform at maging sa kanilang website ang pangalan ng mga pulis na inalis na sa serbisyo.

Ginawa ng solon ang panawagan dahil maraming dating pulis ang nag-aastang alagad pa rin ng batas kahit wala na sa serbisyo o kaya ay suspendido dahil sa nagawang kasalanan.

“These PNP personnel who have betrayed the public trust and those dismissed from the service would likely resort to criminal activities on their own or as part of syndicates,” ayon sa mambabatas.

Dahil dito, kailangang malaman aniya ng publiko kung sino-sino ang mga AWOL at mga dinismis sa serbisyo upang makatulong sa pagpigil sa mga ito kung gagawa man sila ng kasalanan.

 

Gutom ang mga kriminal

Bukod dito, sinabi ni Garbin na kailangang paigtingin ni Sinas ang police visibility dahil gutom ang mga kriminal at posibleng maghasik ang mga ito ng karahasan ngayong papasok na ang holiday season sa gitna ng umiiral na general community quarantine (ECQ).

“Papalapit na ang December at dahil diyan muling maghahasik ng lagim ang mga holdaper. Ang mga bank robber at kidnapper naman ay babawi sa mga nawala nilang kita noong panahon ng ECQ,” ayon sa mambabatas.

Malamang din aniya na “mag-iipon ng pondo para sa eleksyon ng kanilang mga amo o pamasko para sa kanilang mga pamilyang binubuhay mula sa pagnanakaw. (BERNARD TAGUINOD)

232

Related posts

Leave a Comment