Hamon kay Digong UTAK NG MINING, QUARRYING KASUHAN

UPANG makabawi sa mga biktima ng kalamidad, kailangang kasuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mastermind ng mga mining at quarrying operations na naging sanhi ng malawakang pagbaha at landslide sa mga nagdaang bagyo.

Ito ang hamon ni ACT party-list Rep. France Castro kay Duterte dahil bukod sa mga dam na nagpalala ng problema ng pagbaha, ay itinuturo ang quarrying at mining operations sa pagguho ng lupa na tumabon sa mga komunidad.

“Make up for your absence, ensure that you file charges against the masterminds of mining and quarrying operations that led to the worsening condition of typhoon-hit areas, and affected many lives,” ani Castro.

Ayon sa mambabatas, nasa ilalim ni Duterte ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagpabaya sa kanilang tungkulin para proteksyunan ang kapaligiran.

Hinayaan aniya ng DENR ang quarrying at mining activities, hindi lamang sa Bicol region kundi sa halos lahat ng lugar sa Luzon na nagresulta ng pagkakalbo ng mga kabundukan.

Dahil dito, nagdusa aniya ang mga tao kaya dapat panagutin ang mga nasa likod ng quarying at mining operations na hindi lamang ari-arian at kabuhayan ng mga tao ang nawala kundi ang buhay mismo ng mga tao.

Dapat na rin aniyang itigil ng gobyerno ang pagsandal ng mga ito sa resiliency o pagiging matatag ng mga tao sa kalamidad bagkus ay resolbahin ang problema na nagiging dahilan ng ganito kalawak na kalamidad. (BERNARD TAGUINOD)

156

Related posts

Leave a Comment