2 CARNAPPERS PATAY SA ENGKWENTRO

LAGUNA –Napatay ang dalawang hinihinalang carnappers habang tinamaan naman ng bala sa paa ang isang pulis makaraan ang palitan ng putok noong Martes sa Brgy. Balayhangin, sa bayan ng Calauan, sa lalawigang ito.

Ayon sa report kay P/Lt. Col. Sam Belmonte, hepe ng Regional Highway Patrol Unit (RHPU 4-A), kinilala ang biktimang si Crisanto delos Santos, residente ng Barangay Bitin, Bay, Laguna, habang sugatan si P/SSgt. Diosdado Casupang Jr., ng Calauan MPS.

Ayon sa salaysay ni Delos Santos, bandang alas-7:30 ng gabi noong Nobyembre 17, tinutukan siya ng baril ng dalawang hindi kilalang lalaki at inagaw ang kanyang cellphone at motorsiklo sa National Road, Brgy. Lamot ng nasabing bayan.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng Regional Highway Patrol Unit (RHPU 4-A), Calauan Municipal Station at 1st Laguna Provincial Mobile Force Company (LPMFC) sa Purok 3, Barangay Balayhangin.

Agad natunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng mga suspek ngunit habang papalapit sila ay bigla silang pinagbabaril na nagresulta sa palitan ng putok.

Napatay ang dalawang suspek habang tinamaan ng bala sa paa ang pulis na si Casupang na agad dinala sa pinakamalapit na ospital. (CYRILL QUILO)

191

Related posts

Leave a Comment