CAVITE – Minalas na makorner ng mga pulis ang 15 sabungero sa sinalakay na tupada sa bayan ng Naic sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga arestado na sina Estilito Regalado y Villanueva, Jyann Merlan y Sismaet, Ariel Poblete y Delos Santos, Lesther Papa y Caparas, Eduardo Ronquillo Jr. y Austria, Denmark Sisracon y Ramos, Enrico Caisip y Villaluz, Francis Caina, Ludigario Asombra y Punto, Samonte Pipit, Bienvenido Cruzat, Tirzo Ilog, Rowell Vergel Eroles, at Sonny Perolino.
Ayon sa ulat ni Corporal Franz Zorilla ng Naic Municipal Police Station, dakong alas-12:30 ng hapon noong Martes nang magkasa ng anti-illegal gambling operations ang OPD-SOG at Naic MPS sa Poblete Compound, Brgy. Makina, Naic, Cavite dahil sa sumbong ng isang residente.
Agad sumugod ang mga awtoridad sa nasabing lugar at dinampot ang 15 kalalakihan habang marami ang nakatakas.
Nakumpiska sa operasyon ang dalawang pirasong tari, anim na panabong na manok, at P3,300 halaga ng pusta. (SIGFRED ADSUARA)
166
