MAGUINDANAO – Anim na kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o (BIFF), kabilang ang isang mataas na lider nila sa ilalim ng Bungos Faction, ang sumuko sa 1st Mechanized Infantry Battalion at mga elemento ng Maguindanao PNP sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao, Biyernes ng umaga.
Ang mga sumuko ay pormal nang naipresenta ng LGU kay 1st Mechanized Infantry Brigade commander, Colonel Ferdinand B. Lacadin.
Ang mga sumuko ay kabilang ng isang mataas na lider ng BIFF kasama ang limang iba pang miyembro nito mula sa bayan ng Shariff Aguak at Datu Unsay.
Dala nila ang kanilang armas na kinabibilangan ng isang Barret rifle cal. 50, dalawang snipe rifle cal. 7.62, isang M14 rifle at isang 81mm mortar.
Nagpapasalamat si Colonel Lacadin sa pagbabalik-loob ng limang BIFF at lider ng mga ito, sa tulong ng militar at ni Shairff Aguak Mayor Marop B. Ampatuan.
Pinasalamatan naman ni Major General Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Central at ng 6th Infantry (KAMPILAN) Division, ang mga tropa ng pamahalaan, kabilang na ang local government units, sa patuloy na paghikayat sa mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan.
“The surrender is another positive outcome of our current efforts through our Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE) program in support to the government’s peace and development agenda,” pahayag ni Maj. Gen. Uy.
Samantala, ang anim na dating mga rebelde ay nakatanggap ng paunang pinansiyal na tulong mula sa LGU at kasalukuyang pinoproseso ang kanilang pagbabalik sa normal na pamumuhay. (BONG PAULO)
164 