OPPAP EMPLOYEE SA COTABATO, NAGPOSITIBO SA COVID-19

COTABATO CITY – Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang isang empleyado ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Cotabato City Office, iniulat nitong Sabado.

Bunsod nito, ang iba pang kawani ng OPAPP ay isinailalim na rin sa swab at RT-PCR tests sa ilalim ng pangangasiwa ng Ministry of Health in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao.

Ang kawani na unang nagpositibo sa virus ay bumiyahe ng Zamboanga City kung saan mataas ang kaso ng COVID-19 infections.

Siya ay naka-isolate na sa BARMM COVID-19 center sa Cotabato Sanitarium Hospital sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao at nasa stable condition.

Samantala, sa Rehiyon 12, isa ang namatay na taga General Santos City dahil sa COVID-19 virus. Siya ay isang lalaki at 56-anyos.

Sa talaan ng Department of Health sa Soccsksargen Region, umabot na sa 121 ang total fatality sa buong rehiyon.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 3,644 total COVID-19 patients sa buong rehiyon at 2,902 ang gumaling habang 620 ang nasa ospital at sa COVID Ligtas Center.

Ang Gen. Santos City pa rin ang may pinakamarami na aabot sa 1,054 at sumusunod ang South Cotabato na may 935 cases.

Sa BARMM, 17 lang ang panibagong kaso na naitala ng Ministry of Health. Kaya sa buong rehiyon, mayroon nang 2,304 confirmed cases with 84 fatalities.

Sa 17 bagong kaso, 11 ang taga Maguindanao, isa sa Lanao del Sur, dalawa sa Basilan at tatlo sa Sulu. May 10 pasyante naman ang gumaling kaya umabot na sa 2,026 ang total confirmed cases habang 194 ang active cases. (BONG PAULO)

148

Related posts

Leave a Comment