NEGROS Occidental – Kapwa binawian ng buhay ang isang guro at isang nurse na magkaangkas sa motorsiklo makaraang magulungan ng 14-wheeler truck noong Biyernes ng hapon sa Cadiz City.
Ayon sa report ng Cadiz City Police Station, kinilala ang biktimang nurse na si John Paul Ladrillo, driver, at ang gurong si John Eurich Depasupil, angkas ng motorsiklo.
Nakadetine na sa Cadiz City Police Station ang driver ng 14-wheeler truck na may kargang tubo, na si Mario Bendevel ng Barangay Malasibog, Escalante City.
Ang biktimang si Ladrillo ay nurse sa Cadiz District Hospital habang ang angkas niyang si Depasupil ay guro sa Vicente Patricio Memorial Elementary School sa Barangay Magsaysay, Cadiz City.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat, kapwa tinatahak ng truck at ng riding in tandem ang south direction nang nagtangkang mag-overtake ang motorsiklo sa kanang bahagi ng truck.
Ngunit dahil kinukumpuni ang nasabintg kalsada ay nawalan ng kontrol sa manibela si Ladrillo kaya’t natumba at nagulungan ng kasabay na truck.
Dead on the spot ang angkas na si Depasupil habang namatay naman habang ilalapatan ng lunas sa ospital ang driver mg motorsiklo. (JESSE KABEL)
206 