KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nauna nang magpabakuna laban sa COVID-19 sina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Leyte Rep. Martin Romualdez.
“Si Sen. (Ping) Lacson ang tapang, immunize na yun, nagpa-injection na ‘yun. Nauna na siya, sila ni Rep. Martin Romualdez,” kwento ni Sotto sa panayam sa DWIZ.
Hinihikayat din anya siya ni Lacson na magpabakuna at dahil sa pagpopositibo ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ay posibleng ikonsidera niya ito.
“Meron na pero ‘yung iba kasi matatapang na nagpapauna. Ang biruan nga namin ni Sen Lacson, sabi niya partner pa-immunize ka na, sabi ko teka muna titignan muna kita, pag nitong Pasko nakikilala mo pa ako, baka mamaya pagdating ng isang araw sabihin sa akin who are you?” salaysay pa ni Sotto.
Nang tanungin kung may nararamdamang side effects si Lacson, sinabi ni Sotto na “Wala. He feels daw like he is 30 years old eh. Tapos bihira na nga mag-mask eh. Dati makikita mo ‘yun naka-mask naka-faceshield,” diin pa ng Senate President.
Umaasa naman si Sotto na bukod sa bakuna ay magkaroon na rin ng gamot na panlaban sa COVID-19. (DANG SAMSON-GARCIA)
145 