Nurses, di pinasahod natanggal pa sa trabaho DUQUE, KONTRA HEALTH WORKERS

KINASTIGO ni Senador Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) makaraang ipakita nito ang pagiging ‘kaaway’ ng mga manggagawa sa sektor ng kalusugan.

Ani Villanueva: “Napakababa po ng kanilang sweldo, hanggang 3-6 na buwan lamang ang kanilang kontrata at walang kasiguraduhan sa trabaho; wala rin silang sapat na benepisyo at proteksyon lalo na ngayong panahon ng pandemya [sa coronavirus disease 2019]. Hindi po makatarungan ito para sa ating mga healthcare worker na nagbubuwis ng kanilang buhay upang mangalaga sa mga may sakit, lalo na ang COVID -19 patients. Let’s give what is due to our health workers.”

Ang banat ng senador sa DOH na pinamumunuan ni Secretary Francisco Duque III ay batay sa ibinunyag ni Sorsogon Governor Chiz Escudero hinggil sa masamang ginawa ng DOH sa labing-isang nurses sa lalawigan.

Inihayag ng gobernador sa kanyang twitter account na ang 11 nurses na ipinadala ng DOH sa Sorsogon ay dalawa lang ang nakasahod.

Ngunit, katumbas lamang sa dalawang buwan ang kanilang natanggap mula sa limang buwang pagtatrabaho sa lalawigan.

Ang siyam na iba pa ay mahigit nang isang buwang hindi natatanggap ang kanilang mga sahod, bunyag ni Escudero.

Batay sa rekord ng DOH hanggang noong Oktubre ng taong kasalukuyan, P70 bilyon ang pondo nitong “unobligated”.

Katumbas ‘yan ng 55% ng P158.7 bilyon ng kasalukuyang pera ng DOH.

Maliban d’yan, nabigyan pa ang DOH ng P13.5 bilyon batay sa batas ng Bayanihan 2.

Layunin ng P13.5 bilyon na pondohan ang proyekto ng DOH na kumuha pa ng 10,693 nurses at iba pang health workers. (NELSON S. BADILLA)

284

Related posts

Leave a Comment