PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko ukol sa inihahandang contingency plan ng Department of Health ngayong holiday season dahil na rin sa posibilidad ng paglobo pa ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mas mabuti nang maging maagap lalo’t ang panahon ng Kapaskuhan ay isang masayang okasyon sa Pilipinas kung saan marami ang pagtitipon, pagkikita-kita at reunions ng mga miyembro ng pamilya at mahal sa buhay.
Ani Sec. Roque, ang mga aktibidad na nasa kategoryang high- risk ay ang pisikal na pagdalo sa indoor religious activities na maraming attendees, pamimili sa masisikip na tiangge at shopping mall.
Kinukonsidera namang medium risk ang maliliit na pagtitipon sa labas o public areas alinsunod sa physical distancing at restrictions on mass gatherings habang ligtas naman ang pagdalo sa online masses, Noche Buena o Media Noche kasama ang pamilya sa loob ng tahanan, online video calls sa mga pamilyang magkalayo ngayong holiday season at pamimili sa online stores. (CHRISTIAN DALE)
161 