ROBREDO ‘UMATRAS’ KAY DIGONG

MISTULANG pagsuko kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na handa siyang isantabi ang kanilang mga pagkakaiba at makipagtulungan para sa bayan.

Gayunman, para kay Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan manggaling ang inisyatibo kay Robredo kung nais talaga nitong isantabi ang kanilang pagkakaiba ng Pangulo.

Reaksyon ito ni Sec. Roque sa gitna ng naunang pahayag ni Robredo na para sa kapakanan ng taumbayan ay mas maiging maisantabi muna ang kani-kanilang pagkakaiba ng pangulo.

Ani Sec. Roque, na kay Robredo naman ang susi para sa ginugusto nitong mithiing makatrabaho ang Punong Ehekutibo.

Aniya, call na ni Robredo kung maisakatuparan ang sinasabi nitong pagnanais na muling makipagtulungan alang-alang umano sa taumbayan.

Makalawang ulit na aniyang binigyan ng pagkakataong maitalaga ng pangulo si Robredo para makatulong sana sa administrasyon pero hindi niya alam kung anong mga inisyatibo ang nagawa nito. (CHRISTIAN DALE)

165

Related posts

Leave a Comment