RIZAL – Mahigit sa P240,000 halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska mula sa isang hinihinalang drug pusher sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito.
Kalaboso ang suspek na kinilalang si Amad Daud y Gogo alyas “Tami,” makaraang madakip sa buy-bust operation sa Taytay Diversion Road, Brgy. Dolores.
Ayon kay PIU/PDEU P/Capt. Juan Carlo Porciuncula, nakumpiska sa suspek ang walong sachet ng umano’y shabu na tinatayang P244,000 ang halaga, drug paraphernalia at isang sedan na may plakang ZCV-512.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)
173 