TINATAYANG aabot na sa P89 bilyon ang naipalabas na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) mula sa P140 billion appropriations act ng Bayanihan 2.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mayroon na lang silang hinihintay na clearance mula sa Office of the President (OP) para mailabas na ang natitirang pondo para sa additional capital infusion ng Landbank, Development Bank of the Philippines at sa PhilGuarantee.
Sakaling maibigay na aniya nila sa mga ahensyang ito ang kanilang mga requested fund ay makukumpleto na ng DBM ang pagre-release ng P140B sa ilalim ng Bayanihan 2.
Sa kasalukuyan, halos lahat na aniya ng mga naka-allocate na pondo para sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ay nailabas at naipamahagi na ng DBM. (CHRISTIAN DALE)
154 