UMAPELA si Senador Panfilo Lacson sa mga kapwa mambabatas sa panawagan nitong transparency, partikular sa pag-amiyenda sa 2021 budget bill.
Binigyang-diin ni Lacson na mahalaga ang transparency upang maalis ang mga hinala na may kompromiso at personal na interes sa mga iminungkahing pag-amiyenda.
“If we have nothing to hide, we have to make our amendments public, as I have done in my case, so those amendments can be scrutinized by the media as well as the public. It is the mandate of Congress to make amendments to the budget bill; we cannot just adopt the National Expenditure Program en toto,” paliwanag pa nito.
Sa naaprubahang bersyon ng budyet ng Senado, sinabi ni Lacson na habang ang P31 bilyon ay naibawas mula sa panukalang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), mayroong P10 bilyon na idinagdag dito pagkatapos.
Sinabi nito na siya at ang kanyang mga kapwa senador ay kailangang malaman ang mga detalye habang naghahanda para sa bicameral conference committee deliberations sa budget na nakatakdang magsimula sa Disyembre 1.
“I want to know what parts of the P60 billion I sought to delete had been considered and rejected. We have to know the details of the Senate version of the budget bill when we face our counterparts in the House for the bicameral conference committee,” sabi pa ni Lacson.
Nauna rito, sinabi ni Lacson na iminungkahi nito ang P60 bilyon pagkaltas sa budyet ng DPWH bilang bahagi ng kabuuang iminungkahing P63 bilyong cut.
Kasama rito ang mga paglalaan para sa mga multi-purpose building maliban sa mga gagamitin bilang evacuation at quarantine facilities, pati na rin ang doble na paglalaan, mga pagbabayad nang tama, right-of-way payments, feasibility studies at overlapping road projects.
Iminungkahi rin ni Lacson ang pagtanggal sa P500 milyon mula sa budyet ng National Irrigation Administration dahil sa ilang isyu sa pagpapatupad ng tungkulin nito.
“The DBM should respect Congress’ authority over the budget during the authorization phase. That said, transparency on the part of lawmakers will go a long way to deter the indiscriminate impounding of congressional initiatives via FLR,” sabi pa ni Lacson. (NOEL ABUEL)
204 