SINIMULAN na ng Bulacan First District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang mga serye ng road infrastructure projects sa dalawang distrito sa lalawigan ng Bulacan makaraang mai-release na ang mahigit P292 milyong pondo para rito galing sa national government sa ilalim ng General Appropriation Act (GAA) para sa taong 2020.
Ayon kay District Engineer Henry Alcantara, hepe ng DPWH-1st District Engineering Office, 11 road infrastructure projects ang naka-line up na pagawain sa pangunahing mga kalsada sa kanyang nasasakupan, partikular ang Una at Ikalawang Distrito ng Bulacan ang makikinabang sa nasabing pondo na may kabuuang P292.163 milyon
Kabilang na rito ang rehabilitasyon, rekonstruksyon, asset preservation, preventive maintenance, upgrading of damaged pave roads – primary roads, secondary roads, tertiary roads at rehabilitation of drainage canal sa mga kalsada partikular na sa Manila North Road o former Mac Arthur Highway at sa Daang Maharlika Highway na dating DRT Highway.
Sinabi pa ni Alcantara, ang naturang pondo ay bahagi ng For Later Release (FLR) ng General Appropriation Act of 2020, na nabalam ang pag-release dulot ng COVID-19 pandemic. (ELOISA SILVERIO)
220 