BINAWIAN ng buhay ang dalawa sa anim na bagong kaso ng COVID-19 sa Navotas City noong Nobyembre 28, habang lima naman ang gumaling.
Dahil dito, umakyat na sa 159 ang COVID casualties ng lungsod.
Sumipa na sa 5,290 ang tinamaan ng COVID sa Navotas at sa bilang na ito ay 5,066 na ang gumaling at umalagwa muli sa 65 ang active cases.
Sa Valenzuela City naman ay nadagdagan ng isa ang COVID casualties na 249 na ang bilang nitong Nobyembre 28 mula sa 248, dalawang araw ang nakalilipas.
Sumampa na sa 8,147 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, 7,810 ang gumaling at 88 ang active cases. (ALAIN AJERO)
217 