Basta may kasamang adult MINORS PWEDE NANG MAG-MALL

PAPAYAGAN nang makalabas at makapunta sa malls sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine ang mga kabataan basta kasama ang kanilang mga magulang.

Sa public address ni Pangulong Duterte, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na “Para na rin po sa Kapaskuhan ay dun sa ipinag-utos natin na puwede nang gradual expansion ng age group para makalabas ang mga minor.”

Subalit, kailangan aniyang hintayin ang ordinansa ng mga lokal na opisyal tungkol sa pagluluwag ng patakaran para sa mga kabataan.

Matatandaang, inirekomenda ng Department of Trade and Industry sa Inter-Agency Task Force na payagan na ang mga batang edad pito pataas na makapasok sa mall para kumain at bumili ng pangangailangan na kasama ang mga magulang.

Pero mananatiling sarado ang mga palaruan sa mga mall para maiwasan pa rin ang hawahan ng virus.

148

Related posts

Leave a Comment