2 DRUG GROUP MEMBERS, BULAGTA SA SHOOTOUT

LAGUNA – Hindi umabot ng Pasko ang dalawang miyembro ng drug group makaraang mapatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa anti-illegal drug operation sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Gerald Samson at Jomard Bolajo, mga miyembro ng Almazan drug group na sangkot sa illegal drug trade sa mga lungsod sa northern part ng Laguna.

Batay sa report, isinagawa ng mga operatiba ng Laguna PNP at mga tauhan ng Sta. Rosa City Police ang operasyon dakong alas-4:30 ng umaga sa Barangay Tagapo.

Nakabili ng isang medium sachet ng shabu sa halagang P7,000 ang isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer.

Ngunit nauwi sa barilan ang transaksyon nang makatunog ang mga suspek na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mga ito.

Nakuha sa mga ito ng tatlong baril kabilang ang isang kalibre .45, isang .38 revolver at isang improvised na de-sabog.

Nakuha rin sa mga ito ang 10 sachet ng shabu na tinatayang nasa 50 gramo at may market value na P330,000. (NILOU DEL CARMEN)

158

Related posts

Leave a Comment