ISA ang patay sa Valenzuela City at isa rin sa Navotas City, habang 44 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing mga lungsod at sa katabing siyudad ng Malabon noong Enero 13.
Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), umabot na sa 128 ang active COVID cases sa Valenzuela mula sa 108 noong nakalipas na araw.
Umakyat na sa 8,779 ang confirmed cases sa Valenzuela, 8,391 ang gumaling at ang pinakahuling namatay na pasyente ang pang-260 pandemic fatality sa lungsod.
Pito naman ang bagong naitalang kaso ng COVID sa Navotas at isa sa mga ito ang binawian ng buhay.
Umabot na sa 5,507 ang tinamaan ng COVID sa Navotas. Gumaling na ang 5,279 sa mga ito, 172 na ang namatay at 56 ang active cases.
Nabatid naman sa Malabon City Health Department na 18 ang nadagdag na confirmed cases sa lungsod noong Enero 13.
Sa kabuuan ay 6,163 ang positive cases sa Malabon, 69 dito ang active cases.
Sa kabilang banda, walo naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling mula sa Barangay Baritan.
Sa kabuuan ay 5,858 na ang recovered patients ng lungsod at nananatiling 236 ang COVID death toll. (ALAIN AJERO)
158
