BINATA PINATAY NG MAG-UTOL

QUEZON – Dead on the spot ang isang binata matapos pagbabarilin ng nakaaway na magkapatid at isa pang suspek sa Barangay Lusacan, sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng Tiaong PNP ang biktimang si Nico Mendoza, 21-anyos, habang kinilala ang mga suspek na ang magkapatid na sina sina Gerald at Divino Katigbak, at isang JeJay Ilagan, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-8:45 ng gabi, naglalakad ang biktima sa lugar kasama ang kanyang ama nang biglang lapitan at paulit-ulit na pagbabarilin ng mga suspek gamit ang maigsing baril.

Pagkaraan ng krimen ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Ayon sa pulisya, lumabas sa imbestigasyon na matagal nang alitan ang motibo ng pamamaslang. (NILOU DEL CARMEN)

118

Related posts

Leave a Comment