81-ANYOS NA LOLA, KINATAY SA BAHAY

BATANGAS – Patay ang isang 81-anyos na lola makaraang tadtarin ng saksak sa loob ng kanyang kwarto sa kanilang bahay sa Lipa City.

Kinilala ng Lipa City Police ang biktimamg si Iluminada Lumbera Leynes, retiradong guro at nakatira sa Barangay Tangway.

Batay sa report ng Lipa Police, ang mismong ang anak ng biktima na si Lizel Leynes, ang nakadiskubre sa duguang bangkay ng kanyang nanay na tadtad ng saksak bandang alas-5:00 noong Lunes ng hapon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam kung may nawawalang kagamitan sa bahay ng biktima at kung paano nakapasok ang suspek.

Inaalam din kung ano ang posibleng motibo sa insidente at kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

187

Related posts

Leave a Comment