CAVITE – Tinatayang P3.4 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska makaraang madakip ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Cavite City.
Kinilala ang mga arestado na sina Aliakbar Pangandamun at Halil Hamal, pawang nasa hustong gulang.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng hapon noong Miyerkoles nang magkasa ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A-Cavite, ng buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang mall sa lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakuha sa mga suspek ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P3.4 milyon ang street value. (SIGFRED ADSUARA)
