VALENZUELA ACTIVE COVID CASES UMAKYAT SA 181

ISA pang COVID-19 patient sa lungsod ng Valenzuela ang namatay noong Pebrero 3, ang ika-266 na binawian ng buhay sa lungsod dahil sa pandemya.

Kasabay nito, muling lumobo ang active cases sa lungsod na umabot na sa 181 matapos na 31 ang magpositibo sa swab test habang tatlo lamang ang nakarekober.

Umabot na sa 9,326 ang tinamaan ng COVID sa Valenzuela at sa bilang na ito ay 8,879 na ang gumaling.

Samantala, walang nadagdag sa talaan ng mga COVID positive sa lungsod ng Navotas at pito ang gumaling noong Pebrero 3.

May kabuuang 5,619 na ang nagpositibo sa COVID sa Navotas. Sa bilang na ito 5,402 na ang nakarekober, 175 ang namatay at 42 ang active cases. (ALAIN AJERO)

151

Related posts

Leave a Comment