PUV DRIVERS NAIS NG SOLON NA UNAHIN SA BAKUNA

SINIGURO ni Senador Christopher “Bong” Go na uunahing bigyan ng bakuna ang mga public utility driver o drivers ng pampasaherong bus, jeepney at tricycle upang makatulong sa pag-ahon sa kahirapan ng mga ito na higit na naapektuhan ng COVID-19 virus.

Sa kanyang pagharap sa 1,516 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association sa Quezon City, sinabi ni Go na tinitiyak nitong mapasasama sa unang bibigyan ng bakuna ang mga public utility driver dahil batid nitong malaki ang ikinalugi nito nang tumama ang pandemiya.

“Unang-una, medical frontliners, senior citizens … tapos mga indigent. Halos lahat dito ‘isang kahig, isang tuka’. ‘Yun ang priority natin, ang mga taong kailangang lumabas ng bahay,” ani Go.

“Kasama rin ang public utility drivers dahil sila ang nangunguna sa transportasyon. Paano sila babalik sa normal nilang pagmamaneho kung ‘di sila nababakunahan? Kasama sila sa essential workers ng ating lipunan” dagdag pa nito.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong Pilipino upang maabot ang kaligtasan ng populasyon laban sa coronavirus.

“Ito naman pong pagbabakuna ng national government in coordination ito with LGUs … well-coordinated dapat ‘yan para walang malimutan, walang makaligtaan, lalo na po ang mga mahihirap nating kababayan,” pagtitiyak pa ng senador.

Aniya, kinikilala nito ang ginagawa ng pamahalaan ngunit kailangan pa ring maraming gawin lalo na ang pagbibigay ng kamalayan at kumpiyansa sa publiko na magiging maayos ang vaccination plan. (NOEL ABUEL)

235

Related posts

Leave a Comment