PEKENG VETERINARIAN ARESTADO

CAVITE – Hindi nakaporma ang isang babaeng pekeng veterinary doctor nang dakmain ng Cavite police sa aktong tinuturukan ng anti-rabies vaccine ang isang aso sa Imus City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9268 (The Philippine Veterinary Medicine Act of 2004) ang suspek na si Marissa Verino, 57, ng Block 41, Lot 39, Phase 3, ACM Woodstock Homes, Alapan 1-A, Imus City dahil sa reklamo ni Maribel Depayso ng Imus Veterinary Office.

Sa ulat ni Pat. Ray Ann Romano ng Imus City Police, nakarating sa tanggapan ng Imus Veterinary Office na si Verino ay nagpakilalang isang veterinary doctor at nagsasagawa ng panggagamot sa mga hayop ng ilang customer na nagpupunta sa kanyang lugar.

Dahil dito, nagsagawa ng surveillance operation ang Imus Veterinary Office kung saan isa sa kanilang personnel ang nagtungo sa bahay ng suspek dakong alas-7:45 ng gabi at nagpanggap na magpapaturok sa kanyang alagang aso at inaresto ito.

Nabatid ng Imus Veterinary Office na ang pangalan ni Verino ay wala sa listahan ng mga lisensiyadong veterinary doctor na pumasa sa Philippine Regulation Commission (PRC). (SIGFRED ADSUARA)

250

Related posts

Leave a Comment