PALASYO POSITIBO SA VAX PROGRAM

KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magkakaroon ng magandang resulta ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic sa pagtatapos ng taon.

“We did our assignment. We are waiting for the vaccines to arrive and to immediately implement the required mandate — and that is to immunize everybody. We will do it as fast as the vaccines come in,” ayon sa pangulo.

Sa kalaunan aniya ay malulutas din ang lahat ng problema na may kaugnayan sa usaping ito.

“We will survive. And by the end of the year, it appears that – it may not be the best but our efforts will have good results,” aniya pa rin.

Nauna rito, tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakahanda na ang gobyerno sa gagawing pagbabakuna laban sa COVID-19 sa susunod na linggo.

Aniya, ang unang batch ng bakuna mula sa COVAX facility ay darating sa kalagitnaan ng buwang kasalukuyan.

Ilang tulog na lang aniya ay magsisimula na ang vaccination drive na napaghandaan naman ng gobyerno.

Nilinaw rin ni Roque na maisasagawa kaagad ang pagbabakuna isa o dalawang araw pagkatapos dumating ng suplay sa bansa.

Aabot sa 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang makukuha ng Pilipinas sa COVAX facility sa unang quarter ng taon kabilang na ang 117,000 doses ng Pfizer vaccine. (CHRISTIAN DALE)

163

Related posts

Leave a Comment