‘PRIORITY’ SA COVID VACCINE TIKLO SA SHABU

HABANG naghihintay na mabakunahan kontra COVID-19, ibinalibag sa selda ang isang 63-anyos na lolo nang makumpiskahan ng umano’y shabu sa Navotas City noong Biyernes ng madaling-araw.

Swak sa hoyo si Efren Dela Cruz, ng Lacson St., Brgy. North Bay Boulevard North.

Alas-12:20 ng madaling araw, nagsasagawa ng covert patrolling sa kahabaan ng Lacson St. ang mga parak nang maispatan at makumpiskahan ang suspek ng 12 sachet na naglalaman ng 2.1 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P14,280 ang halaga.

Bunsod nito, binitbit sa presinto ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)

 

121

Related posts

Leave a Comment