Noong Chinese New Year MALABON, NAVOTAS NAGTALA NG TIG-ISANG PATAY SA COVID-19

TIG-ISA ng binawian ng buhay dahil sa COVID-19 ang mga lungsod ng Malabon at Navotas noong Pebrero 12, Chinese New Year.

“Mula sa 33 noong February 6, naging 80 na ang active cases natin matapos madagdagan ng apat na nagpositibo ngayon. Isa sa kanila ay binawian na ng buhay. Dalawa naman na dating mga pasyente ang gumaling,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Pagod na po tayo sa pandemya. Gusto na nating mamuhay nang normal kaya siguro marami na ang nagiging kampante at hindi na sumusunod pa sa mga safety measures. Ngunit kailangan po natin ang patuloy na pag-iingat dahil ayaw po natin na tuluyang tumaas ang ating mga kaso at mapipilitan tayong maghigpit muli,” patuloy niya.

“Huwag nating hayaan na masayang ang isang taon na nating sakripisyo. Sa laban na ito, hindi tayo maaaring makampante dahil ang saglit na paglimot o pagwawalang-bahala ay maaaring maglagay sa atin at sa ating pamilya sa malaking peligro,” pagtatapos ng alkalde.

Umabot na sa 5,693 ang tinamaan ng COVID sa Valenzuela City. Sa bilang na ito ay 5,435 na ang gumaling at 178 na ang namatay.

Samantala, isang pasyente mula sa Barangay Tonsuya, Malabon ang sumakabilang-buhay dahil sa pandemya, ang ika-245 na namatay sa lungsod dahil sa COVID-19.

Bukod dito, ayon sa City Health Department, siyam ang nadagdag na confirmed cases at 6,413 na ang positive cases sa Malabon, 99 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Ibaba (1), Longos (1), Niugan (3), Potrero (2), Tinajeros (1) at Tonsuya (1).

Habang dalawang pasyente ang gumaling. Ang mga ito ay mula sa Barangays Ibaba (1) at Tonsuya (1).

Sa kabuuan ay nasa 6,069 ang recovered patients ng siyudad. (ALAIN AJERO)

131

Related posts

Leave a Comment