BILANG bahagi ng Bureau of Customs’ (BOC) 119th founding anniversary, noong Pebrero 10, 2021 ang Bureau ay nagkaroon ng blood letting activity na pinamagatang “Sa Aming Anibersaryo, Dugo ang alay namin sa inyo”.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni BOC Medical at Dental Division Dr. Sigrid Duclan sa tulong ng Dugong Alay, Dugtong Buhay Inc. & UERM Memorial Medical Center Inc.
Nagpakita rin ng kanilang suporta ang ibat-ibang empleyado ng ahensiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga dugo.
Ang Medical and Dental Division ay naging bukas sa mula sa mga donors pati na rin ang pagbibigay ng impormasyon sa mga empleyado kung paano maiiwasan ang infection mula sa Covid-19.
Ang nasabing dibisyon kamakailan ay kinilala ang pagsisikap laban sa Covid-19 sa Bureau of Customs (BOC) lalo sa mga panahon na nakalockdown ang buong bansa.
Dahil sa ang bansa ay patuloy sa paglaban sa Covid-19, ang BOC ay kinikilala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng dugo na magdudugtong ng buhay sa mga apektado ng nakamamatay na virus.
Ang Bureau ay nananatili sa kanilang pagsisikap na masuportahan ang gobyerno sa lahat ng paraan upang maibsan ang epektong dulot ng covid-19.
Kabilang na dito ang pagpapadali ng requirements sa importasyon ng mga medical supplies at pagbabantay sa hangganan ng bansa mula sa mga peke at smuggled medical items.(Jo Calim)
162 