PING SINOPLA MULI NG PALASYO

NIRESBAKAN ng Malakanyang si Senador Panfilo Lacson matapos nitong pasaringan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat i-“refresh” ang kanyang memorya sa pamamagitan nang pagbasa sa Article VII, Section 21 ng 1987 Constitution kung saan nakasaad na walang anomang tratado o international agreement ang magiging valid at epektibo maliban na lamang kung niratipikahan o inaprubahan ito ng two thirds ng lahat ng miyembro ng Senado.

“Senator Lacson, hindi lang po binasa ng ating presidente ang Saligang Batas. Abogado pa po siya, pumasa po siya ng bar kung saan isa po sa tinanong o subject area para sa examination ay ang Constitution Law,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Pagdating naman aniya sa usapin ng tratado ay sinang-ayunan niya si Senador Lacson dahil nakasaad aniya sa Saligang Batas na ang mga tratado ay kinakailangan ng concurrence ng Senado.

Subalit ang tratado aniya ay isang instrumento lamang para sa foreign policy at ang concurrence ng Senado ay kinakailangan dahil iyong akto ng concurrence ang siyang dahilan kung bakit nagiging batas ang isang tratado. (CHRISTIAN DALE)

122

Related posts

Leave a Comment