P2.5-M AYUDA SA MGA NAG-AALAGA NG MGA BABOY NA MAYROONG ASF SA MINDANAO

AABOT sa P2.5 milyon ibabayad ng Department of Agriculture (DA) at mga pamahalaang lokal sa mga backyard hog raiser sa dalawang lalawigan sa Mindanao makaraang mamatay ang 1,000 baboy dahil sa African Swine Fever (ASF) nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa DA, tig-P5,000 ang ibibigay ng kagawaran sa bawat isa sa kanila at karagdagang tig-P2,000 ang itutulong kada isa sa kanila ng pamahalaang lokal ng Misamis Oriental at Cagayan de Oro City.

Sa kabuuan, P2.5 milyon ang matatanggap ng mga naapektuhan ng mga namatay na baboy dulot ng ASF.

Sinunog na ang mga baboy upang hindi na makahawa pa sa iba.

Ang ASF ay itinuturing na dahilan kung bakit hindi natitigil ang pataas nang pataas na presyo ng iba’t ibang parte ng mga baboy sa mga palengke sa buong bansa.

Damay sa sobrang taas na presyo ang iba pang pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat pamilya tulad ng manok, isda, gulay, bigay at iba pa.

Ang ikinasasama pa ng loob ng mga mamimili ay madayang timbangang sinadya ng mga tindero at tindera sa mga palengke.

Ngunit, hindi kumikilos ang Department of Trade and Industry (DTI) at mga pamahalaang lokal laban sa mga maliliit na negosyante. (NELSON S. BADILLA)

512

Related posts

Leave a Comment