PUBLIKO BINALAAN SA FAKE PDEA AGENTS

MULING nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko na mag-ingat sa mga taong nagpapanggap na mga ahente ng PDEA.

Naglabas ng kanyang babala si PDEA Director General Wilkins M. Villanueva kasunod ng pagkakapaslang ng mga tauhan ni PNP-Anti Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa dalawang kasapi ng Mokong criminal roup sa Botolan, Zambales.

“The slain suspects reportedly belonged to the same group of men and women who wore PDEA uniforms rushing to arrest a man in Ususan, Taguig last February 4, 2018. The incident was caught in CCTV footage,” ani Villanueva.

Ayon kay PDEA chief Information Officer Director Derrick Carreon, hindi ito ang unang insidente na may mga taong nagpapanggap na mga tauhan ng PDEA para gumawa ng kanilang illegal activities.

Ang unauthorized na pagsusuot ng PDEA uniforms, or insignia, ay katapat na kaparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code.

Nilinaw ni Villanueva na mahigpit na sumusunod ang PDEA sa kanilang itinakdang standard operating procedures sa pagsasagawa ng legitimate anti-drug operations.

“Our operations are always coordinated with the local police and the conduct of search operations are always armed with search warrants issued by court,” dagdag pa ng opisyal.

“I encourage the public to be vigilant and report to PDEA any similar incidents involving suspicious individuals masquerading as PDEA agents,” pahayag pa ng PDEA.

Panawagan naman ni Dir. Carreon “Maaari po kayong magsumbong sa pamamagitan ng ‘Isumbong Mo Kay Wilkins!’ Facebook page o ‘di kaya pwede po kayong tumawag o mag-text sa aming mga hotline numbers 09953547020 at 09310278212.” (JESSE KABEL)

191

Related posts

Leave a Comment