UMAWAT SA AWAY MAG-ASAWA, SINAKSAK

CAVITE – Sugatan ang isang 28-anyos na driver makaraang saksakin nang tangkaing awatin ang nag-aaway na mag-asawa sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito.

Nilalapatan ng lunas sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Rodel Rodica ng Brgy. Aplaya, Kawit, dahil sa saksak sa dibdib at mukha mula sa suspek na si Arnold Godio, 46, may live-in partner, ng Sgt. Dante St., Binakayan, Kawit.

Ayon sa ulat ni P/CMSgt. Roldan Requioma ng Kawit Municipal Police, dakong alas-8:00 noong Sabado ng gabi nang mangyari ang insidente.

Nagtatalo umano ang lasing na suspek at live-in partner nito na si Girlie Bulan sa Covelandia St., sakop ng Brgy. Aplaya ng naturang bayan.

Palabas naman sa isang iskinita ang biktima na pinaniniwalaang galing din sa inuman, nang mapansin nito ang dalawa habang nagtatalo kaya nilapitan at tinangkang awatin.

Ngunit hindi nagustuhan ng suspek ang pakikialam ng biktima kaya naglabas ng patayim at sinaksak si Rodica.

Humingi naman ng saklolo si Girlie na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanyang live-in parner habang ang biktima ay isinugod sa ospital. (SIGFRED ADSUARA)

272

Related posts

Leave a Comment