BIR muling nagpaalala sa pagkuha ng TIN card SCAMMERS SA FB HINDI NATIGIL

MULING nagpalabas ng paalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aalok sa Facebook ng tulong sa pagkuha ng Tax Identification Number (TIN).

Ayon sa BIR, para sa kaalaman ng lahat, ito po ay hindi awtorisado at hindi pinapayagan ng ahensiya.

“Huwag tangkilikin ang mga ilegal na transaksyong ito sa social media sapagkat ito ay ipinagbabawal sa batas.

Ang sinumang mahuhuling gumagawa nito ay papatawan ng kaukulang parusa na naaayon sa batas.

Sinabi pa ng BIR, ang TIN card ay hindi ipinagbibili. Ito po ay maaari lamang i-isyu o ipagkaloob ng BIR.

Hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring nagpo-post sa Facebook at nag-aalok sila ng pagkuha ng TIN card kapalit ng halaga ng pera mula sa kanilang mabibiktima.

Nauna nang nagpalabas ng advisory kamakailan ang BIR kaugnay sa mga post sa Facebook na nag-aalok ng tulong sa sinumang gustong kumuha ng TIN card.

Ang nasabing advisory ay niladaan nina Lanee Cui-David, Deputy Commissioner ng Information System Group at Arnel Guballa, Deputy Commissioner ng Operations Group.

Para sa paglilinaw at komento at suhestiyon ay maaaring mag-email @bir.gov.ph. (JOEL O. AMONGO)

 

220

Related posts

Leave a Comment