(NOEL ABUEL)
ITINUTURING ng isang lider ng Senado na kahibangan ang gagawin ng Philippine National Police (PNP) na sitahin ang mga magkarelasyon na magka-holding hands, magkayakap o maghahalikan sa pampublikong lugar.
Nais ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto na ipaliwanag ng PNP kung anong dahilan nito para ipagbawal ang public display of affection (PDA).
Sinabi ni Recto, kailangang linawin ng PNP ang utos nito kung hanggang saan ipagbabawal ang PDA upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.
Aniya, kung ang pagpapakita ng pagmamahal gaya ng paghalik, paghawak ng kamay at pagyakap ay ipagbabawal, papaano naman ang pagmano ng isang paslit sa nakatatanda.
“Will the ban include the “Mano po!” of kids to their grandparents, as it falls under the standard definition of affectionate acts? Or how about the wife at the back of a bike holding her husband tight for dear life, will her hug be prohibited, too?,” tanong pa ng senador.
“Take note, the PNP spokesman’s statement frowns upon public display of lovey-dovey “for health reasons.” So a couple who shares a bed at night cannot kiss each other goodbye on the street when they go their separate ways to work and should just text each other kiss emojis?,” dagdag ni Recto.
Sinabi pa nito na ang komunikasyon ay mabuting armas para labanan ang pandemic.
“Communication is an important tool in fighting the pandemic. Words can move—and frighten—a nation. When you wield a loud microphone, don’t treat it like a police whistle you can blow anytime,” aniya pa.
Nauna nang sinabi ng PNP na maghihigpit ito sa pagpapatupad ng health protocols lalo na at tumaas na naman ang bilang ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga local government unit kaugnay sa mga umiiral nitong ordinansa.
Kasabay nito ang paalala ng PNP sa mga mag-asawa at magkarelasyon na mahigpit nang ipinagbabawal ang Public Display of Affection.
Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana, inatasan na nila ang mga pulis na sitahin ang makikitang nagpi-PDA. Kasama na rito ang halikan sa pampublikong lugar, hawakan ng kamay at yakapan.
Hindi lang umano ito para sa mga mag-asawa o ‘in a relationship’ kundi sa mga miyembro ng pamilya at magkakaibigan.
Paliwanag ni Usana, kahit sino ay pwedeng magdala ng virus kaya mas mabuti nang maging maingat.
351 