Ex-BAI chief Domingo, gigisahin sa Senado ‘TONGPATS’ SYSTEM SA DA GARAPAL

(ESTONG REYES)

INIHAYAG ni Senador Panfilo Lacson na pinakamainam na mag-imbestiga ang Committee of the Whole ng Senado sa nagsesebong “tongpats” sa importasyon ng karne ng baboy na paraan ng Department of Agriculture (DA) upang mapunan ang kawalan ng suplay bunga ng pananalasa ng African Swine Flu (ASF).

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na maraming aspetong saklaw ang nabanggit na kontrobersiya kung kaya’t tama lamang na buong puwersa na ng Senado ang umungkat sa mga detalye nito.

“I am recommending that the Senate convene into a Committee of the Whole to handle the investigation. The ‘tong-pats’ mess has an impact on foregone revenue and corruption, food security, and health. The Committee of the Whole is best suited for this, instead of having the Blue Ribbon Committee and Committees on Agriculture, Ways and Means and Health handle it separately,” paliwanag ni Lacson.

Masyado aniyang malawak ang problema para pangasiwaan lamang ng isa o ilang komite ng Senado ang pagsisiyasat.

Kabilang sa mga maaring masaklaw ay ang usapin sa food security, kaligtasan ng pagkain, ang nawalang koleksiyon ng pamahalaan at ang kalusugan ng publikong kumukonsumo sa mga ito.

Ang kontrobersiya sa “tongpats” ay una nang isiniwalat ni Lacson sa pamamagitan ng interpelasyon sa plenaryo ng Senado sa isang resolusyong humikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggihan ang rekomendasyon ng DA na dagdagan ang dami ng inaangkat na karne ng baboy at babaan ang taripang ipinapataw sa mga ito.

Naalarma ang mambabatas sa sitwasyong ito dahil sa harap ng katotohanang papatayin nito ang lokal na industriya ng baboy sa Pilipinas, kung saan, nasa 80,000 hog raisers ang nakapaloob at pipilayin din ang koleksiyon ng buwis na kailangang-kailangan ngayong panahon ng pandemya.

Kabilang sa solusyon na iminumungkahi ng senador ang pagbibigay ng ayuda sa apektadong sektor gaya ng indemnification fund at iba pang pinansiyal na pag-alalay sa mga hog raiser.
“Kung ang solusyon ay mag-import nang mag-import, lalo mong pinapatay ang industriya,” dagdag ng mambabatas.

Kabilang sa mga uungkatin ng mambabatas ay kung ano ang mga posibleng pananagutan ng dating pinuno ng Bureau of Animal Industry na si Dr. Ronnie Domingo na nag-isyu ng sangkaterbang

import permits kahit pa sa mga bansang tukoy ang mga sakit sa hayop gaya ng ASF.

Si Domingo ay inilipat sa Philippine Carabao Center.
Sa impormasyong nakarating sa senador, naganap hanggang Setyembre 2020 ang mga kaduda-dudang pag-import ng karne ng baboy sa bansa sa ilalim ng Minimum Access Volume Management

(MAV) Committe ng DA. Ang BAI at National Meat Inspection Service (NMIS) ang bumubuo ng MAV Committee.

“Considering such violations involving Domingo, papayag na lang tayo kung may sangkot, ililipat na lang? What is clear is that the former BAI director was involved in violations until September 2020,” diin ng mambabatas.

“Without casting doubt on DA Sec. William Dar’s personal integrity, we want to know if he was aware of the situation. That said, while I cannot say at this time if Domingo’s transfer is connected to the issuance of illegal permits, the impact is that we have an ASF problem due to the importation of pork from banned countries,” banggit pa ni Lacson.

Nais ding malaman ng mambabatas kung mayroong mga maimpluwensiyang grupo o indibidwal sa labas ng mga ahensiyang nabanggit na sangkot sa naturang kontrobersiya.

“We want to know if there is outside pressure on the DA. I have received information that there was lobbying. Why would it make such recommendations that could be detrimental to our local hog raisers?” pagsisiwalat ni Lacson.

“Yan ang gusto natin matumbok kung sino. Parang lumalabas na kung susundan natin ang takbo ng mga pangyayari, parang laban sa kalooban ni Sec. Dar ang rekomendasyon ng DA,” dagdag pa ng senador.

WALANG
SINDIKATO

Samantala, nanindigan si Agriculture Secretary William Dar na walang katotohanan ang ibinunyag ni Lacson hinggil sa sindikato sa DA.

Ipinagtanggol ni Dar ang DA laban sa akusasyong mayroong “tongpats” (binaliktad na salitang patong) ang importasyon ng mga karne makaraang ianunsiyo ng kalihim kahapon ang itinayo niyang “special committee” para sa imbestigasyon.

Ang pagpapaimbestiga ni Dar ay dumikit sa isasagawang imbestigasyon ng Senado “as a whole” tungkol sa sindikato ng importasyon sa DA.

Inihayag ni Dar na: “While we stand firm that the issuance of MAV in-quota allocation is above-board and non-discretionary, we have created a special committee to look into allegations made by

a lawmaker that there is a syndicate in the DA engaged in a payoff scheme”.

Tumutukoy sa minimum access volume ang MAV para sa pag-angkat ng mga baboy at manok.

Ayon sa kalihim, ang mamumuno sa imbestigasyon ay ang pinuno ng legal division ng DA.

Ang pagsisiyasat nito ay babatay sa inisyal na resulta ng imbestigasyon ng DA-MAV secretariat.

Matatandaang iginiit ni Dar ang importasyon ng baboy matapos niyang makumbinsi si Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng kautusan hinggil sa price control ng presyo ng mga karne ng

baboy at manok sa mga palengke sa Metro Manila upang mapigil ang patuloy na pagtaas nito.

Nagsimula ang pagpapatupad ng Executive Order No. 124 ni Duterte noong Pebrero 8 na tatagal ng 60-araw.

Ngunit, nang madiskubre ni Dar na ayaw papigil ang pagtaas ng presyo ng mga baboy at manok sa kabila ng umiiral na price cap, hiniling naman niya kay Duterte na bawasan nang malaki ang

taripa ng importasyon ng baboy at lakihan ang MAV dahil masyadong maliit ang 43,000 metriko-toneladang baboy.

IPASISIYASAT
NG DOJ

Kaugnay nito, maging ang Department of Justice (DOJ) ay nakahanda umanong paimbestigahan ang sinasabing “tongpats sytem” sa DA.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay kinakailangan lamang na makakuha sila ng mga impormasyon hinggil sa sinasabing “tongpats” o suhulan partikular sa meat importation.

Una nang nanawagan sa DOJ at NBI ang Pork Producers Federation of the Philippines na imbestigahan ang akusasyon. (May dagdag na ulat si NELSON S. BADILLA)

176

Related posts

Leave a Comment