GUIDE BILL ISINUSULONG SA PAGBANGON NG MSMEs

IGINIIT ni Senador Win Gatchalian na kailangang tulungang makarekober ang maliliit na negosyo o ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagpapasimple ng proseso at pagbabawas ng transaction cost tulad ng pag-alis ng ilang uri ng buwis upang mahikayat silang mangutang para pausbungin muli ang kanilang mga operasyon.

Ito ang layon ng panukalang batas na Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery o GUIDE, na tinatalakay ngayon ng Senate Subcommittee on Banks, Financial Institutions and Currencies na pinamumunuan ni Gatchalian. Mas mapadadali na aniya para sa MSMEs ang mangutang sa government banks tulad ng Land Bank of the Philippines (LDP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Ayon sa senador, nakapagtala ng luging P1.5 trillion ang ekonomiya ng bansa o humigit- kumulang na 9.5 porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) noong nakaraang taon. (ESTONG REYES)

201

Related posts

Leave a Comment