CAVITE – Tinatayang 500 kabahayan ang natupok sa sunog na umabot sa ikatlong alarma nitong Biyernes ng madaling araw sa Covelandia Road, Brgy. Samala-Marquez sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito.
Halos isang libong pamilyang informal settlers ang nawalan ng tirahan sanhi ng nasabing sunog na nagsimula dakong alas-12:20 ng madaling araw at umabot sa P1 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok.
Idineklara ng Fire Ground commander na si F/Supt. Rene V. Bullos, na fire-out ang nasabing insidente bandang alas-4:30 ng umaga.
Kasamang nasunog ang barangay hall, covered court at Day-care Center sa lugar.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng nasabing sunog. (CYRILL QUILO)
286