CAVITE – Bagama’t mahigpit ang ipinatutupad na general community quarantine (GCQ) at curfew hours, kaliwaan pa rin ang bentahan ng umano’y shabu na nagresulta sa pagkakadakip sa 50 hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 11 kababaihan, sa magdamagang buy-bust operation sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-3:00 ng hapon noong Lunes hanggang ala-1:30 ng madaling araw nitong Martes sa limang lungsod at anim na bayan sa Cavite.
Nanguna ang Bacoor City sa may pinakamaraming bilang ng mga arestadong tulak, 15; sumunod ang Imus City at Cavite City na tig-7; habang tig-4 naman ang Rosario at Tanza; tig-3 ang Kawit, Dasmariñas City at Gen. Trias City; ang General Mariano Alvarez (GMA) ay 2 habang tig-isa ang Alfonso at Naic. (SIGFRED ADSUARA)
247
